Tahanan Books receives the Gawad Dangal ng Panitikan 2022 from the Komisyon ng Wikang Filipino


Di man Filipino ang naging unang wika ng aming editor-in-chief na si Reni, pero Filipino ang naging pundasyon ng Tahanan Books—isa itong pribilehiyo at pagkakataon upang bigyang buhay ang ganda at pagkamalikhain ng ating sariling wika. Aming naging hangarin ang pagyamanin ang kaalaman ng mga mambabasa sa tulong ng mga aklat na nagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa paglathala ng Bahay Kubo noong 1993 na naging simula ng serye ng picture books na nagpapakilala sa iba’t-ibang kulay ng ating katutubong musika; sa mga guhit ni Auri Asuncion Yambao para ipakita ang saysay ng onomatopoeia, homonyms, at mga salitang inuulit; mga kuwentong pambata mula noon kay Lola Basyang at ngayon sa mga manunulat ng ating henerasyon na tumatalakay sa siyensiya, kasaysayan, at sa lawak ng kahulugan ng ating pagka-Pilipino—ang bawat aklat ay isang paalala ng aming bahagi sa kinabukasan.

Aming pinasasalamatan ang mga kaibigan—mga manunulat, mga ilustrador, mga tagasalin, mga mananaliksik, mga consultant, mga editor at marami pang experto na nagpahiram ng kanilang dunong sa wikang Filipino.

Ngayong 2022 ay ang ika-tatlumpung taon ng Tahanan sa paglikha ng mga makabuluhang aklat pambata. Aming pinapasalamatan ang mga hurado at ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pagbigay ng panibagong saysay sa aming pagdiriwang. Sa ngalan ng aming Tahanan kasama ang aming punong patnugot na si Reni Roxas, malugod namin itong tinatanggap.

Bilang pagtatapos, pahintulutan niyo akong ibahagi ang sabi ni Reni: “it's been said that language is a measure of our lives. One could also say that books are a measure of all that we hold essential and worth passing on to future generations. We write—we make books—because we know that books will outlast us. The world will never tire of books because human beings will never tire of telling stories and listening to stories. Storytelling is in our blood. Books will outlive us. Books are forever. Long live the books!”

Ang karangalan na mapabilang sa hanay na ito ay isang malaking biyaya. Congratulations sa lahat ng nagwagi at muli, ang aming taos-pusong pasasalamat!
*This acceptance speech was shared on the 27th of April 2022 at the Hotel Rembrant in Tomas Morato, Quezon City during the award ceremonies.
Back to top